Selamat datang di CaraGampang.Com

Animation

Animation

Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere

Wednesday, November 23, 20110 comments

Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere

Panahon
Detalye
Bago ang 1884
Nabasa ni Rizal ang novelang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe na naglahad ng pang-aapi sa mga aliping Negro sa Amerika.
Enero 2, 1884
Mayroong isang pagdiriwang ng mga mag-aaral na Pilipino ng Central University of Madrid sa Espanya. Nakasama ni Rizal sina Jaena, Valentin Ventura at ang magkakapatid na Paternos. Inimungkahi ni Rizal sa kanyang mga kasamang Pilipino sa Madrid na sumulat sila ng isang novelang hango sa masamang kalagayan ng mga Pilipino sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng Kastila at ang lahat ay sumang-ayon. Inimungkahi ni Rizal na pangkat sila upang mailahad ang lahat ng pananaw.

Ang mungkahi ni Rizal na sumulat “bilang pangkat” ang novela ay hindi natupad sapagkat ang iba, sa halip na umpisahan ang novela ay nalihis ang perspektibo at ukol sa babae na ang nais isulat. Nalulon ang lahat maliban kay Rizal sa sugal at pambabae kaya napabayaan ang napagkasunduan.

Inumpisahan ni Rizal ang pagsulat sa novela sa Madrid at natapos ang unang kalahati.
1885
Pagkatapos ng kanyang pag-aara sa CUM, ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat sa novela sa Paris, Fransya kung saan natapos niya ang kalahati ng ikawalang kalahati ng novela.
April-June 1886
Sa loob ng mga buwan na ito, tinapos ni Rizal ang novela sa Wilhelmsfeld, Alemanya ngunit wala pang pamagat.
Disymebre, 1886
Hindi napadalhan si Rizal ng perang panggastos mula sa Pilipinas kaya siya’y nagutom at nagkasakit. Sa kanyang pagkagutom, siya ay dumadalo sa mga pagdiriwang nang hindi naman inaanyaya (gate crasher). Halos nawalan na siya ng pag-asa na mailimbag ang novela kaya napag-isipang sunugin ito. Salamat na lamang at dumating si Dr. Maximo Viola, isang dating kamag-aaral na siyang tumulong kay Rizal sa pagpapalathala ng novela at nagbigay ng pera upang matugunan ang mga pangangailangan.
Pebrero 21, 1887
Inayos ni Rizal ang orihinal na manuskrito ng novela upang mahanda sa paglathala. Napili niya ang bahay-palimbagan naBerliner-Buchdruckrei-Action-Gesselschaft. Nagpalathala siya ang 2, 000 sipi sa halaga lamang ng P300.00.
Marso 5, 1887
Habang iniimprenta ang novela ni Rizal, saka lang siya nakapagdesisyon ng pamagat para dito. Sa kanyang sulat kay Felix R. Hidalgo, binanggit ni Rizal na hinugot niya ang pamagat na “Noli Me Tangere” sa Ebanghelyo ni Lucas. Ngunit nagkamali si Rizal sa pagbanggit ng pinagkunan dahil nakuha niya ito sa Ebanghelyo ni Juan, Kapitulo 20, versikulo 13-17. Ang bahaging ito bibliya ay nagsalaysay sa araw ng “Easter Sunday,” ang ikatlong araw ng kamatayan ni Kristo kung saan nabuhay siya muli at nagkita sila ni Maria Magdalena: “Huwag mo akong salingan, dahil hindi ko nakasasama ang aking Ama sa langit.”
Marso 21, 1887
Inilabas na ang novelang Noli Me Tangere ni Rizal sa publiko sa wikang Kastila.
Mayo 5, 1887
Sinulatin ni Dr. Antonio Ma. Regidor si Rizal. Pinuri ni Regidor ang novela at inihambing pa sa Uncle Tom’s Cabin at Don Quixote ng Espanya.
*Nasalin ang novelang Noli Me Tangere sa iba’t ibang wika dahil sa husay nito at natatanging katangian.

Share this article :

Post a Comment

 
Support : Cara Gampang | Creating Website | Johny Template | Mas Templatea | Pusat Promosi
Copyright © 2011. Cyber Tambayan - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Modify by CaraGampang.Com
Proudly powered by Blogger